Skip to main content

Grace Poe runs for president (FULL TEXT SPEECH)

Grace Poe runs for president (FULL TEXT SPEECH)
Senator Grace Poe, on Wednesday, finally declared her intention to run for president in the forthcoming May 2016 elections inside the jampacked University of the Philippines Bahay ng Alumni.

Her speech focused on most major problems of the country which she intends to address if and when she wins the presidency.

Please find below the FULL TEXT of her speech September 16, 2015:


"Sa aking ina, sa aking asawa at mga anak, mga kaibigan, sa lahat ng naririto ngayon maraming salamat po sa pagdalo ninyo ngayong araw.

Mga Kababayan

Nung una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko: Gusto kong ipagpatuloy ang mga simulain ni FPJ.

Simple lang ang prinsipyo ng aking ama na siya ring naging dahilan ng kanyang pagtakbo... sinabi niya mismo sa bulwagang ito mahigit 11-taon ang nakalipas: Importante sa isang leader ang katalinuhan pero mas mahalaga ang may tapat na pusong manilbihan upang tulungan ang mahihirap, labanan ang pang-aabuso, at pumanday ng isang lipunang masagana at makatarungan.

Madalas n’yang sabihin sa akin: Gracia, Ang kahirapan ay hindi iginuhit sa palad dahil nasa kamay ng tao ang pag-unlad. Pero sa kanyang pag-ahon, hindi sapat ang kanyang sariling kayod, kailangang may kamay na humihila sa kanya. Di ba’t yan naman ang sukatan ng magandang pamahalaan at lipunan - Lahat ay aangat, walang maiiwan!

Mayaman po ang ating bansa – sa likas-yaman, dunong ng mamamayan at kabayanihan.

Dito itinatag ang unang Republika sa Asya. Ito ang bayan ni Rizal, at Bonifacio.

Bago nabigyan ng boses ang mga kababaihan, nag-aklas na si Gabriela Silang.

May nakabibilib tayong nakaraan napinaghuhugutan.

Maraming unos ang dumaan sa atin.

Ilang ulit tayong tinamaan ng kalamidad – pinakamalakas na bagyo – na parang binubura ang bayang ito sa mapa, pero nakatayo pa rin tayo.

Kaya ganun na lang ang paghanga ko sa aking kapwa-Pilipino at sa bayang ito.

At paano ka nga naman hindi hahanga sa araw-araw na pagpupunyagi ng mga kababayan natin?

Silang mga ordinaryong Pilipino na gising na bago pa tumilaok ang manok: hila ang bag papunta sa eskwela o ang kalabaw papuntang sakahan. Nakikipagsiksikan sa MRT o hinahabol ang bus o jeep, bago pa sumikip ang EDSA o sa Fuente Osmena Blvd sa Cebu.

Silang mga ginagabi ang uwi: mga naglalamay sa BPO, mga namamasada sa lungsod, at nangingisda sa laot.

Silang mga magulang o anak na minsan lang nakakapiling ang mga anak, silang tinitiis ang init ng disyerto, ang panganib sa dagat, ang hapdi ng lungkot - mabigyan lang ng magandang bukas ang kanilang pamilya.

Silang mga manggagawa na kinalyo na ang kamay, kinuba na ang katawan, sa walang tigil na pagbabanat ng buto.

Silang mga ordinaryong kawani ng gobyerno, mga guro na ilang bundok ang inaakyat marating lang ang mga estudyanteng naghihintay sa kanila, mga nars na patuloy na naglilingkod kahit na pagod sa haba ng shift, mga sundalo at pulis na itinataya ang buhay matiyak lang ang kaligtasan at seguridad natin.

Kayong lahat ang pinaghuhugutan ko ng inspirasyon. Kayo ang nagbibigay sa akin ng lakas na i-alay ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan sa bansa. Naniniwala ako na sa pag-unlad o pagyaman, sabay-sabay dapat! At kung may uunahin man, dapat ang mahihirap at mas nangangailangan.

Isulong natin ang mga adhikain at programa na tunay na inklusibong pag-unlad o inclusive growth, kakayahang makipagtagisan sa larangang pandaigdigan o global competitiveness, at bukas na pamahaalaan o transparent gov't.

At ito po ang mga nais kong ipabatid ngayong gabi sa inyo. Layunin at mithiin ko,sa tulong ng bawat isa... sama-sama... ang mga sumusunod:

1) Sa edukasyon, ayusin ang lahat ng silid-aralan, mag-"digital" na tayo at tapusin ang lahat ng kakulangan o backlog. Sisikapin natin na palawakin ang ating scholarship program at pagtibayin ang "study now pay later program”. Tulungan din nating makapag-internship at trabaho ang mga college students para habang nag-aaral may kita na sila at kapag nagtapos, ay may experience na.

2) Payayabungin natin ang sektor ng agrikultura. Tutugunan natin ang hinaing nila sa lupa. Ang irigasyon ay kailangan pa sa kalahating milyong ektarya. Ilarga natin ang mekanisasyon. Kailangan ng epektibong programa para lumaki naman ang kita sa pangingisda, pagtatanim at paghahayupan.

3) Gagawin nating prayoridad ang pag-aayos ng ating mga imprastruktura - kalye, tren, airport, seaport o internet man. 'Di ito dapat kasing bagal ng sasakyan sa EDSA. Sisikapin kong pa-angatin ang taunang budget para sa imprastruktura nang 7% ng GDP. Kung 'di kaya ng pribadong sektor, isusulong ko ang isang government-supported industrialization at IT plan para makalikha ng industriya. Pag dumami ang "Made in the Philippines," dadami din ang trabaho dito. Ito ay dapat gawin habang pinangangalagaan ang kalikasan.

4) Walang iisang tao o grupo na may monopolya sa tuwid na daan. Malaki at malayo na ang nagawa ni Pangulong Aquino kaugnay sa pagpapanagot sa mga tiwali, at ako’y personal na nagpapasalamat sa kanya dahil nanumbalik muli ang kumpyansa natin sa isang lider na tapat. Dapat lang na ituloy at pa-igtingin ang pagsugpo sa korapsyon. Papanagutin ko ang tiwali, kaibigan man o kaaway, subalit 'di lamang isang tao o partido ang dapat nagsusulong nito, kundi ang bawat isang Pilipino. Para higit na palakasin ang transparency sa gobyerno, isasabatas natin ang FOI sa lalong madaling panahon.

5) Isa na tayo sa may pinaka-mataas na buwis sa buong mundo. Sisikapin ko na mapababa ito. Mas alam ng tao kung ano ang kailangan nila at may karapatan din silang piliin kung saan gagastusin ang kanilang pinaghirapan. Subalit kungibababa ang buwis, kailangang suklian natin ng tamang pagbabayad nito. Ito naman ang igagarantya ko: Lahat ng buwis na inyong ibabayad, maibabalik sa inyo sa pamamagitan ng agaran at dekalidad na serbisyo.

6) Dapat pag-tuunan natin ng pansin kungsapat pa ba ang sweldo at benepisyo ng bawat manggagawa at lingkod-bayan. Mahirap magtrabaho at manilbihan habang nagugutom ang iyong pamilya. Dapat lang na bigyan sila ng marangal at legal na pagkaka-kitaan.

7) Malaking porsyento ng budget ng bawat pamilya ay napupunta sa pambayad sa kuryente. Hahanap po tayo ng paraan para pababain ang presyo ng kuryente.Sa maraming parte ng Mindanao madalas ang brownout. Sisiguraduhin po natin na magiging sapat ang kuryente para sa lumalagong ekonomiya, lalo na sa Mindanao. Pauunlarin natin ang renewable energy.

8) Aalagaan natin at pahahalagahan ang ating mga OFW. Bigyan ng maayos na legal na suporta sa ibang bansa at bawasan ang mga fees at red tape para lamang maayos nila ang kanilang mga papeles.

9) Bilang isang Nanay, nababahala ako sa tindi ng krimen at droga. Katulad nang lahat ng nanay, hindi ako makatulog sa gabi hangga’t hindi nakakauwi ang aking mga anak. Kaya para sa akin, ang pagdurog sa krimen at droga ay hindi lang trabaho. Ito ay personal na krusada. Sisiguraduhin na ang mga pulis ay may disiplina at kakayahan para isang tawag lang ay nandyan na at hindi lang isusulat ang krimen kundi huhulihin ang kriminal.

10) Patuloy nating isusulong ang usaping pangkapayapaan sa lahat ng lumalaban sa gobyerno. Dapat nang tigilan ang pagpatay ng Pilipino sa kapwa nya Pilipino upang maparating natin ang tunay na kaunlaran sa bawat sulok ng bansa. Sa mga kapatid nating Moro, naging inspirasyon kayo sa maraming pelikula ng tatay ko, ang inyong kultura at kagitingan. Sa hinaba-haba ng kasaysayan natin, panahon na para mabigyan kayo ng patas na pagkakataon at tunay na tulong.

11) I-respeto natin ang karapatang pantao ng lahat. Hindi tayo magiging bulag sakalagayan ng lahat ng vulnerable sectors, kasama na ang may kapansanan, mga indigenous peoples, mga maralitang taga-lungsod, mga kababaihan, kabataan at mga bata, mga LGBT at mga senior citizens. Sa mga senior citizens, hindi kayo malilimutan. Ang nanay ko mismo ay dumadaing na habang nagkaka-edad dapat mas maramdaman ang pagkalinga ng gobyerno.

12) Kalusugan ng bawat isa ay mahalaga, dapat hindi mabangkarote ang pamilya o mamili kung kakain ba o ibibili ng gamot para sa kanilang may sakit na mahal sa buhay. Dapat may pinalaking benepisyo ang PhilHealth na masasandalan. Sisiguraduhin ko na ang bawat komunidad ay may maayos na ospital, may sapat na doctor, nars, midwife, gamot at kagamitan.

13) Atin ang West Philippine Sea at dapat lang na 'wag natin itong bitiwan o pabayaan gamit ang mapayapang paraan at ayon sa batas. Alinsunod dito, palalakasin natin ang ating Coast Guard at Sandatahang Lakas para hindi tayo kinakaya-kaya ng ibang bansa.

14) OA na ang trapik! Sa airport man o sa kalsada, inuubos nito hindi lamang ang oras natin, kundi pati ang pasensya. Inaagaw nito ang panahon na sana ay para sa trabaho o makapiling natin ang ating pamilya't mahal sa buhay.

15) Dapat gawin ang mga sumusunod at marami pang iba: Dagdag na kalsada at tren hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong parte ng Pilipinas. Siguraduhin na ang batayan ng pagpili ng contractor na magtatayo ng tren ay may tunay na kakayahan at track record para masiguro ang pangmatagalan na maintenance at warranty; malinis na drainage systems; kapote at bota para sa nagpapatupad ng batas-trapiko; pagtanggal sa lahat ng colorum at illegal parking sa kalsada; at pagpapa-tupad ng staggered office hours. At kung may binubungkal man sa kalye, dapat ay huwag iwanang nakatiwangwang. Tanggalin ang mga contractor nanagbabagal-bagalan.

16) Ang internet ay para ring highway. Daluyan ng impormasyon. Dapat mabilis ito.Maraming trabaho ang mas magiging produktibo pag mabilis ang internet. Mas mabilis na matatapos ng mga bata ang homework nila at mas madali nating makakausap ang ating mahal sa buhay na OFW na walang skype delay. Sa internet ayaw natin ng Forever bago maka-konekta.

17) Sa larangan ng sining at palakasan, dapat malaki din ang suporta ng ating pamahalaan. Kilala tayong malikhain nakultura, mga visual artists, writers, performers at iba pa. Ngunit hindi natin binibigyan ng tamang halaga at tulong ang sektor na ito. Kahit na binibigyan nila tayo ng karangalan, ano ang ating isinusukli? Sa palakasan naman, ang ating mga atleta ay kawawa din. Siguro naman hindi natin dapat isuko ang pangarap na magkaroon tayo ng ginto sa Olympics.

18) Huwag natin kalimutan na realidad ang climate change. Hindi ito issue ng mayaman lang. Ang mga mahihirap ang unang tinatamaan nito. Sila ang unang binabaha at nawawalan ng tirahan. Dapat ay magkaroon na tayo ng hiwalay na Emergency Management Dept. na tututok sa national preparedness Climate change at Geo Mapping.

19) Ang turismo ay isang sector din na dapat tutukan. Kung malago ang turismo, mas makakalikha ito ng dagdag na pagkakakitaan para sa ating mga kababayan kahit sa mga liblib na lugar. Likas na maganda ang tanawin dito sa ating bansa, pero ang turismo ay di sisigla kung hindi natin aayusin ang imprastruktura at dadagdagan ang ating mga paliparan.

20) Yaman ng ating bansa ang ating mga anak. Sila ang kasalukuyan at kinabukasan natin. Pero wala silang laban kung hindi man lang sila napapakain ng tama. Marami pa rin ang nagugutom sa ating bayan. Napapanahon na magkaroon ng Standard Lunch Program sa lahat ng pampublikong paaralan.

Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuuan ng aking mga mithiin at adhikain. Sa mga susunod na araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong programa na naka-sentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala: walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-sabay tayong aangat at sama-sama tayong uunlad!

Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit sya at sinabi na wala syang karanasan at hindi sya Pilipino. Ngunit buong tapang nyang hinarap ang hamon at di nya inurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti ang buhay ng kapwa-Pilipino.

Ang kanyang katapatan, tapang at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang nanay ko naman,sinabi nya: “Anak, sa lahat ng ingay ng pulitika, huwag mo walain ang iyong sarili.”

Ang aking buhay ay isang bukas na aklat.

Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makatutuntong sa Senado. Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin.

Huwag nyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. Mapagmahal, malikhain at marunong gumawa ng paraan.

Kaya nating marating ang ating mga mithiin para sa bayan kung magsisipag, magmamatyag at siguraduhin na may tapat na gagabay sa atin.

Dapat sama-sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao.

Ang mangangako niyan ay nagsisinungaling na.

Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kwento ng Pilipinas sa darating na panahon.

Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayang Pilipinas

Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo."


WHAT DO YOU THINK OF THIS POST?
Share your ideas by commenting.

Comments

Popular Posts

What to do when you get a HIT on your NBI clearance

A "Hit" on your NBI clearance after your long queue at the NBI satellite office. UPDATED January 2020 Department of Justice (DOJ) Circular 017, or the multi-purpose clearance does  away with the usual separate applications for domestic employment, travel abroad, gun licensing and many others, thereby making it easier for people to obtain and use an NBI clearance. Are you applying for your NBI clearance? The National Bureau of Investigation office has stopped entertaining walk-ins after the implementation of the fully online application process for NBI clearance. The registration and appointment system for the NBI clearance are done online nationwide. Applicants may accomplish the application form at www.doj.gov.ph/nbi , www.nbi.gov.ph , and clearance.nbi.gov.ph . READ: Complete Guide To nCoV: How Not To Misinform Yourself About The Coronapocalypse After registering online, applicants may proceed to any of the NBI sites nationwide for the payment and biom...

The All-new Xiaomi TV A 2026 Series is now here

Upgrade your entertainment without the premium price tag with the Xiaomi TV A 2026 Series’ QLED 4K Displays, 120Hz Game Boost, and Google TV Get ready to redefine your home entertainment experience once more. Xiaomi is set to launch its latest TV A 2026 Series this month, bringing an even better immersive viewing experience to tech-savvy users and budget-conscious buyers alike. This new lineup of smart TVs is made and engineered for individuals and families seeking a premium experience with a focus on vibrant displays, smooth performance, and sleek design. The Xiaomi TV A 2026 Series is now available in four local variants: 32-inch, 43-inch, 55-inch, and 65-inch. The 65-inch and 55-inch models feature 4K UHD resolution for crisp and dazzling visuals and lifelike details, while the 32-inch model provides a bright HD resolution that’s truly perfect for smaller spaces. For gamers, the 65-inch and 55-inch models offer a 120Hz refr...

Must-have items at IKEA are made more affordable

Starting August 19, IKEA is reducing up to 20% of prices on 400 popular home pieces Cozy nights during the rainy season remind us to make our spaces brighter, comfortable and more organized. And with high inflation rate, increase in cost of daily living, Filipinos rethinking their spaces are looking for practical solutions. With the IKEA principle of Democratic Design, IKEA Philippines is permanently reducing prices on 400 popular items by up to 20% starting August 19, making IKEA pieces for everyday life at home, more affordable. IKEA Philippines Country Retail Manager Ricardo Pinheiro says, “In the Philippines, we know the importance of staying within one’s budget to make every peso count. That’s why we’ve permanently reduced our prices on 400 items—we want to side with the many and continue to support the Filipino way of life: practical, resourceful, and always centered on home.” Pinheiro adds that IKEA has always been about good d...

How much is the penalty for 5 years late registration of motorcycles?

UPDATED December, 2020 Got late in your motorcycle registration renewal? Driving an unregistered motor vehicle carries with it a fine of P3,000 if apprehended by Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officers and P10,000 if by LTO traffic personnel. Worse, if the non-registration exceeded one month, the vehicle will be impounded and released only once the vehicle has been registered and the corresponding fines and penalties have been paid. To help you prepare for your visit at the LTO, here's a brief guide on how much money you're going to spend on your motorcycle registration renewal. READ: Complete Guide To nCoV: How Not To Misinform Yourself About The Coronapocalypse What's covered in this guide? 1. LTO penalty formula by weeks 2. Sample computation (if 5 years late) 3. How to renew your motorcycle registration  - Requirements  - 5 step guide YOU MAY WANT TO WATCH:  Motorcycle Transfer of Ownership and Renewal of Registration ...

Let’s crunch it with 7-Eleven Crunch Time’s new hype man, Crunchito

In a fried food-loving country like the Philippines, fried chicken is more than just a craving. It’s a source of comfort—like a coping mechanism to turn the day around or a way to celebrate small wins in the hustle of everyday life. As a brand that’s ever in tune with its customers, 7-Eleven serves Crunch Time as every kapitbahay’s daily power-up. From satisfying crunchy cravings in the neighborhood with Crunch Time’s tasty and crunchy offerings, such as fried chicken, chicken fillet, siomai, Crunchy Pan, and more, 7-Eleven did not stop at simply providing the ultimate fried food fix for less. The Crunch Time FRYmily is getting a boost in the form of its newest brand character, Crunchito. Dressed in an adorable fried chicken suit, he is every 7-Eleven customer’s go-to hype man and Crunchy Motivator made to make ordinary moments FRY-nalo. His presence amps up the Crunch Time experience, where every bite is a well-earned victory be...

realme FanFest Payday Sale offers up to P5,000 off on select smartphones

As part of its ongoing FanFest 2025 celebration, realme Philippines is giving fans more reasons to celebrate payday with exciting deals on some of its best-selling smartphones. From August 28 to 31, shoppers can enjoy exclusive markdowns of up to P5,000 off on select devices ranging from entry-level like the realme C71 to premium models such as the realme 14 Pro Series 5G. The realme C71 is designed for those who need reliability for everyday use. Certified with MIL-STD-810H Military-Grade Shock Resistance and an IP54 rating for dust and water protection, the realme C71 can withstand unexpected slips and weather.  Meanwhile, the realme Note 70 offers both durability and efficiency with its military-grade toughness and a 90Hz Eye Comfort Display that makes viewing smooth and easy on the eyes. With its 6,300 mAh battery, the realme Note 70 is an excellent companion for students, commuters, and anyone on the go who values both resi...

What the LTO says about changing mag wheels, rims and tires of your car, motorcycle

The new LTO PMVIC, or the Land Transportation Office - Private Motor Vehicle Inspection Centers, has started operations in some parts of the country for inspections of cars and motorcycles due for registration renewal. Dubbed as MVIS (Motor Vehicle Inspection System), it aims to test the roadworthiness of private and commercial vehicles prior to their registration. This also includes the checking of modifications, upgrades and accessories that have been installed on your vehicles - whether factory or aftermarket. If they don't meet LTO standards, you fail the test. Failing the MVIS test means you have to retake the inspection and worse, you can't register your vehicle any more. For purposes of discussion, I chose to talk about wheels and tires because they are the most frequently modified parts of our cars and motorcycles. Now comes the question: Is it considered illegal to replace your wheels with aftermarket mag wheels? Can those u...

Credit card habits that can transform your financial journey, according to Metrobank

Owning a credit card is considered to be a key part of adulting for many Filipinos. More than just a payment tool, it offers financial flexibility—allowing you to manage big-ticket purchases in line with your financial plans. On top of that, you can unlock rewards on your purchases, be it exclusive discounts, cashback, rewards points, or airline miles for your next travel. But how can that rectangular plastic card in your wallet actually be a booster for your personal finances? It’s simple: when used wisely, your credit card can be a fantastic tool to help you reach your financial goals responsibly.   Let’s dive into some simple, practical tips from Metrobank ( tinyurl.com/bde5abp9) to help you maximize your credit card’s benefits—turning it into your financial best friend, not a financial burden: 1. Spend Within Your Means A simple way to do this is to only spend what you can comfortably pay back before your next statement is due. ...

All-natural, all-fresh: Subway’s Triple Cheese Steak is here until November 2 only!

Three times the cheese, triple the indulgence. Cheese lovers, it’s time to raise your subs! Subway® Philippines invites you to say it loud and proud: Triple Cheese. Yes Please! This newest crave-worthy creation is a celebration of all-natural goodness in partnership with Cheese from the USA: the Triple Cheese Steak Sub is stacked with juicy, seasoned steak and smothered in a luscious melt of all-natural U.S. Cheddar, Colby, and Monterey Jack cheeses. Every bite is a cheesy trifecta that’s bold, buttery, and irresistibly creamy. Add toasted white onions and fresh green bell peppers, a jalapeño kick, crisp lettuce, and a drizzle of Subway’s signature Southwest Chipotle sauce, all tucked into freshly baked cheese-crusted bread, and you’ve got the kind of indulgence that makes taste buds cheer. More than just a limited time treat, this is a delicious showcase of all-natural cheeses from the USA, crafted by award-winning cheesemakers whose ...

From your morning McCafé Coffee to your McNuggets for midnight snack — McDonald’s rewards all your cravings with MyMcDonald’s Rewards

McDonald’s Philippines is making your McDo cravings more rewarding than ever with the launch of MyMcDonald’s Rewards on the McDonald’s App — the first fully digital quick-service restaurant (QSR) loyalty program in the country. Now, every order brings you closer to free McDonald’s favorites, exclusive treats, and exciting perks. From World Famous Fries to the Big Mac, McFlurry, Coke Float, Chicken McDo, and so much more — every visit is now a chance to score big. Earn points with every bite Getting started is easy. Simply sign up for MyMcDonald’s Rewards on the McDonald’s App and scan your Rewards QR code before ordering at any McDonald’s Counter, Drive-Thru, or Self-Order Kiosk. For every ₱10 spent, you’ll earn 1 point. And with points adding up quickly, you’ll be enjoying your rewards in no time. Redeem your McDo favorites Your points can be exchanged for McDonald’s menu items you love: 100 Points: Medium Fries, Chee...